Viva Virgen de Candelaria!: Ang Pyesta ng Birhen ng Candelaria sa Jaro, Iloilo City
Pebrero 2. Ito na marahil ang pinaka-una kong pagkakataon na maranasan ang sinasabing pinakamalaking pyesta ng Iloilo, bago pa man sumulpot ang Dinagyang sa syudad. Ito na ang Pyesta ng Nuestra Señora de Candelaria ng Distrito ng Jaro sa Syudad ng Iloilo. Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit parag grabe ang kasikatan nitong pyesta na to, na magdadala sa north part ng syudad sa grabeng trapik at di mahulugan ng karayom na namamanata sa Birhen.
Flashback muna tayo. Ang kasalukuyang Katedral ng Jaro (o Katedral ng Santa Elizabeth de Ungria) ay itinayo noong late 19th Century sa komisyon ni Padre Mariano Cuartero. Ang statwa mismo na tinitingala ng mga deboto ay meron ding misteryosong nakaraan. Sinasabing nakita raw ito sa tabi ng Ilog Jaro ng isang mangingisda, hindi raw ito mabuhat ng madla kahit 1 feet lang. Wow, bigat!
Nang mailuklok ang estatwa na ito sa Katedral, pinaniniwalaang lumalaki at lalong bumibigat ito kada taon. May mga araw rin daw na nawawala ang imahen na ito, sabay na nakikita ang isang magandang babae na may dalang anak na naliligo sa isang bukal sa ngayo’y Plaza Jaro.
Dahil sa taglay na mala-milagrosong katangi-an. Maraming naging deboto ang Candelaria…ang kanilang naging simbolo ng pag-asa.
Mismong si Pope John Paul II na mismo ang nagdeklara kay Birheng Candelaria bilang Patrona Santa ng Western Visayas, ng Arsodiosesis ng Jaro noong 1981 nang sya’y bumisita sa syudad.
Marahil hindi ito sa mga tipong nauusong “festival fever” na nauuso sa buong kapuluan ngayon. Isang high mass ang ginaganap sa araw ng kapistahan, sabayan pa ng “palapak” kung saan pinapa-apak ang mga maliliit na estatwa ng Candelaria sa mga deboto sa paniniwalang ito’y magdadala sa kanila ng kaayusan sa buhay.
Ang isa pang haylayt ng pyestang ito ay ang prosesyon. Dito na mismo lumalabas ang mga old rich ng Jaro, ang mga kamag-anak at mismong tagapag-mana ng mga haciendas, mga bigating pulitiko at mga may-ari ng mga malalaking kumpanya. Ang tinatawag na Jaro Queen at ng “Royal Court” ika nga ay tila ekslusibo lamang sa mga mayayaman ng Jaro. Talk about pomp and posh preparations!
Sa iilan naman pag sinabing pyesta ng Jaro, sabungan ang pumapasok sa isipan. Marahil na rin sa malaking pustahan na umaabot sa milyong milyong pisong tumataginting ang pinupusta sa mga manok. Sabi nga naman nila ang Ilonggo ay mahilig sa sabungan.
Sa mismong pyesta rin, may Agro-Trade fair sa Plaza na malamang ginagawa na ng mga taga-Jaro mula pa sa panahon ng Kastila. Kaya asahan mo parang isang munting karnabal at palengke ang plaza pag pyesta. At para naman sa mga kaibigan natin sa Greenpeace, beware…at mapupuno ka ng usok mula sa mga hurno ng bibingka na binebenta sa plaza sa murang halaga…. namit pa! (masarap pa!)
Sa mga kabataan naman, ito ang tamang panahon para mang gate-crash at kumain 6 o minsan sobra pa na beses sa iisang araw. Hanggang gabi ang pyesta!
Sinasabi nila na na-overtake na daw ng Dinagyang ang Fiesta Candelaria. Pero sa libo-libong mga deboto at mga Ilonggo, para sa kanila ito na marahil ang pinakadakilang relihiyosong pyesta. Panata nila sa mahal na Birhen at ang kanilang masayang pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap nila sa taon na ito.
At para naman kay Juan de la Cruz, matapos na trip na ito, malamang at babalik pa sya sa susnod. Dami kasing magagandang dilag at ang sarap ng handaan!
Popularity: 14% [?]
Related Entries:
- Jaro Cathedral Belfry
- Iloilo’s Original Biscocho Haus
- How to Get to the New Iloilo Airport
- The Spectacle Returns…
- Iloilo Dinagyang Festival 2008 Winners and Photos
- Iloilo paints the town RED!
- The BIG three
- PAL Now Flies to New Iloilo Airport
- Aliwan Fiesta 2006 updates
- Hala Bira! Iloilo Dinagyang Festival Na!





























Leave a Reply